MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nakaranas ang Cebu Pacific Air flight CEB588, patungo sa Manila galing Mactan-Cebu International Airport (MCIA), ng landing gear issue nitong Sabado.
Nakabalik ang flight sa Mactan-Cebu International Airport dakong alas-5:30 ng umaga matapos makaengkwentro ng technical problem.
Ligtas naman ang mga pasahero at crew members ng aircraft, at walang naiulat na nasugatan, base sa CAAP. RNT/SA