Kinasuhan ng local media sa lalawigan ng Masbate ng plunder. malversation, falsification of public documents, paglabag sa anti-graft and corrupt practices act at administrative case ang Gobernador ng Masbate na si Gov. Antonio Kyo.
Ang kaso ay may kinalaman sa umanoy 21 mga ghost projects ng gobernador sa ibat-ibang mga bayan sa Masbate na hindi makita dahil wala namang mga program of works.
Batay sa inihaing reklamo sa Office of the Ombudsman ang, asosasyon ng mga mamamahayag mula sa Masbate Quad Media Society, Inc. (MQMSI) ay naghain ng complaint laban sa governor at sa ilang iba pa dahil umano sa mga kaduda-dudang mga proyekto.
Nabatid sa reklamo nina Edarlito Doremon Jr. at Ram Sison, pawang mga local radio reporter sa Masbate, bukod umano sa hindi pinakinabangan ng taumbayan ang mga proyekto na mga ipinagawang kalsada sa naturang lalawigan ay nawalan din umano ng karapatang mapaunlad ang buhay ng mga mamamayan dahil umano sa hinihinalang kurapsyon.
Sinabi pa sa reklamo nina Doremon at Sison, na kuwestyunable din umano ang mga isinagawang proyekto at hinihinalang napunta lamang sa kamay ng iilang tao ang mahigit 420-million pesos na pondo ng probinsya ng Masbate mula 2022 hanggang 2023.
Bukod kay Gov. Kho kabilang din sa mga inireklamo ay sina:
– Provincial budget officer Liborio Gonsales, jr,
– provincial accountant Glenda Talisic
– acting provincial treasurer Eduardo Arcenas, jr
– acting provincial engineer Eduardo arcenas, jr
– bids & awards committee chairman atty. Rany sia at iba pa.
Naisakatuparan anila ang mga ghost infrastructure projects dahil sa pagsasabwatan ng nabanggit na mga lokal na opisyal at mga private contractors.
Giit ng mga mamamahayag, bagamat nanganganib ang kanilang mga buhay dahil sa pagbangga sa gobernador ng lalawigan pero kailangan umano nilang manindigan para sa hustisya at kapakanan ng mga taga-Masbate.
Dahil dito ay hinihiling nina Doremon at Sison sa Ombudsman na patawan ng preventive suspension sina Kho at iba pa para hindi nila maimpluwensyahan sa sandaling magsagawa ng imbestigasyon sa umanoy sangkaterbang mga ghost projects sa Masbate. RNT