MANILA, Philippines – Mahigit 3.5 milyong estudyante ang apektado ng suspensyon ng face-to-face classes sa ilang paaralan sa Metro Manila, Calabarzon, at MIMAROPA dahil sa volcanic smog na namataan sa Bulkang Taal, sinabi ng Department of Education (DepEd) nitong Miyerkules, Agosto 21.
Sa datos ng DepEd, nakita na kabuuang 3,586,353 estudyante at 112,791 tauhan ang apektado sa suspension ng in-person classes sa 2,967 paaralan sa tatlong rehiyon.
Karamihan sa mga estudyanteng ito, o mahigit 2.8 milyon ay mula sa CALABARZON, sinundan ng 730,336 sa National Capital Region (NCR), at 5,922 sa Mimaropa.
Matatandaan na sinuspinde ang in-person classes sa ilang paaralan mula pa nitong Lunes, Agosto 19. RNT/JGC