Home NATIONWIDE Teddy Casiño tatakbo sa Senate slate ng Makabayan

Teddy Casiño tatakbo sa Senate slate ng Makabayan

124
0

MANILA, Philippines – Ipinakilala ang dating mambabatas na si Teddy Casiño bilang ikaanim na senatorial candidate sa ilalim ng 2025 slate ng Makabayan coalition.

Nitong Miyerkules, Agosto 21, ay inanunsyo ang Senate bid ni Casiño sa Bantayog ng mga Bayani kasabay ng Ninoy Aquino day.

“Pinili ko po ang makasaysayang araw na ito, sa harap ng bantayog ng mga martir at bayani ng paglaban para sa kalayaan, katarungan at katotohanan, upang ipaalam sa inyo ang aking desisyon kaugnay ng pagtakbo bilang senador sa darating na halalan,” ani Casiño.

Ang kandidatura nito ay tututok sa “challenging the continued dominance of corrupt dynasties and pushing for systemic change.”

Si Casiño ang ikaanim na kandidato sa Senate slate ng Makabayan coalition kasama sina ACT Teachers Rep. France Castro, Gabriela Rep. Arlene Brosas, Kilusang Mayo Uno’s Jerome Adonis, dating anti-poverty czar Liza Maza, at fisherfolk leader Ronnel Arambulo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here