SPAIN – Pumanaw na ang pinakamatandang tao sa mundo na si Maria Branyas Morera ng Spain, na isiniling sa Estados Unidos at napagdaanan ang dalawang world war.
Ayon sa ulat, si Morera ay pumanaw na sa edad na 117 nitong Martes, Agosto 20.
Kinilala ng Guinness World Records si Branyas bilang world’s oldest person noong Enero 2023 matapos pumanaw ang French nun na si Lucile Randon sa edad na 118.
“Maria Branyas has left us. She died as she wished: in her sleep, peacefully and without pain,” sinabi ng kanyang pamilya.
“We will always remember her for her advice and her kindness.”
Dahil sa pagkamatay ni Branyas, maikokonsiderang ang pinakamatandang tao na sa mundo ay si Tomiko Itooka ng Japan na isinilang noong Mayo 23, 1908 at ngayon ay 116 taong gulang na.
Naabutan ni Branyas ang 1918 flu, World War I at World War II, ang civil war sa Spain, at nagkaroon ng COVID-19 noong 2020. RNT/JGC