Home NATIONWIDE Mason tigok sa bumagsak na tubo

Mason tigok sa bumagsak na tubo

162
0

CEBU CITY – Basag ang bungo ng isang mason matapos mabagsakan ng bakal na tubo sa ulo mula sa ika-22 palapag ng gusaling pinagtatrabahuhan nito.

Kinilala ang biktimang si Julito Gerada Jr., 26-anyos, at residente ng Brgy. Biga, Toledo City.

Batay sa report ng Parian Police Station, bandang 11:00 AM naganap ang insidente noong Martes, Hunyo 10, 2025, sa Barangay Zapatera ng naturang lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nasa ikawalong palapag ang biktima ng ginagawang condominium sa nabanggit na lugar.

Habang nasa gitna ng trabaho, bigla na lamang bumagsak ang bakal na tubo at tumama ito sa kanyang ulo.

Sa lakas ng pagbagsak, nabiyak ang suot nitong helmet at tumagos sa kanyang ulo, na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Kinansela naman ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang permit ng contractor at developer dahil expired na ang kanilang permit at dahil sa kakulangan ng mga safety measures.
/Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here