Home HOME BANNER STORY Masungi Georeserve, protected forest reserve – DILG

Masungi Georeserve, protected forest reserve – DILG

MANILA, Philippines – Iginiit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang Masungi Georeserve sa Baras, Rizal ay isang protected forest reserve, sa kabila na nag-aalisan ang Special Action Forces sa lugar dahil sa downsizing.

Ayon kay DILG secretary Benhur Abalos, naghihintay ang DILG ng gabay mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa kung sino ang nagmamay-ari ng lugar, kasunod ng mga ulat ng maanomalyang turnover ng mga pulis sa private individual.

Bagama’t binawasan ang bilang ng Special Action Forces sa lugar, aasiste ang Regional Mobile Force Battalion ng Region 4A sa pagpapatrolya sa lugar.

“This is a protected forest reserve. Until kung anong sabihin ng DENR kung ito ba ay dapat may-aring ibang tao or what, until that is ano [resolved], the order is for us to make sure that this is preserved of course for the government itong lugar na ito,” ani Abalos.

Sinabi naman ni Masungi Georeserve managing trustee Ann Dumaliang na kailangan ang presensya ng mga awtoridad sa lugar dahil nagkakaroon ng mga ulat ng harassment ng ilang mga tao na nagtatangkang agawin ang lugar.

“Napakahalaga na mayroon tayong kapulisan. ‘Yung ating rangers na nakakaranas ng harassment mula sa mga land speculators dito, pati na rin doon sa mga resort na nagtatangkang kumuha ng lupa kahit walang dokumento,” sinabi ni Dumaliang sa kaparehong ulat. RNT/JGC

Previous article1 patay, 22 sugatan sa pagbangga ng bus sa trak sa Davao de Oro
Next articleMga biyahero dumaragsa na sa PITX sa Holy Week exodus