Home HOME BANNER STORY Mga biyahero dumaragsa na sa PITX sa Holy Week exodus

Mga biyahero dumaragsa na sa PITX sa Holy Week exodus

MANILA, Philippines – Nagtutungo na ng maaga sa mga sakayan ang mga biyahero bago pa ang inaasahang dagsa ng mga pasahero habang papalapit ang Semana Santa.

Ayon kay Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) spokesperson Jason Salvador, mayroong iniulat na 49,000 pasahero ang nagtungo sa PITX alas-2 ng hapon nitong Linggo, Marso 24, kung saan ang peak ay inaasahan sa Miyerkules at Huwebes.

Matatandaan na idineklara ng Malacañang ang Marso 28 o Huwebes Santo, Marso 29 o Biyernes Santo, bilang regular holiday at ang Marso 30 o Sabado de Gloria bilang special non-working day. RNT/JGC

Previous articleMasungi Georeserve, protected forest reserve – DILG
Next article3 PH troops nasaktan sa water cannon ng China – Año