Home HOME BANNER STORY 3 PH troops nasaktan sa water cannon ng China – Año

3 PH troops nasaktan sa water cannon ng China – Año

MANILA, Philippines – Tatlong manlalayag ang nasaktan sa pinakahuling pag-atake ng China Coast Guard gamit ang water cannon, sa supply vessel ng Pilipinas malapit sa Ayungin Shoal, sinabi ni National Security Adviser Eduardo Ano nitong Linggo, Marso 24.

Nagtamo ng matinding pinsala ang pag-atake ng China sa Unaizah May 4 na patungo sana sa Ayungin Shoal para maghatid ng suplay sa mga tropa sa BRP Sierra Madre.

Ani Año, tatlong tauhan ng Philippine Navy na sakay ng barko ang nasaktan sa insidente na nangyari nitong Sabado.

Hindi naman tinukoy kung ano ang mga tinamong pinsala ng tatlong miyembro ng Navy, bagama’t sinabi na ginagamot na ang mga ito sa escort ship ng Philippine Coast Guard.

“This is just an ordinary rotation and resupply or provision operation but look at how the Chinese are reacting,” pagbabahagi ni Ano.

Kinondena naman ng Estados Unidos ang pag-atake.

“The (Chinese) actions are destabilizing to the region and show clear disregard for international law,” saad sa pahayag ni State Department spokesman Matthew Miller.

Ipinagtanggol naman ng China Coast Guard ang naging aksyon nito at sinabing ang pag-atake ay isang “lawful regulation, interception and expulsion” sa isang dayuhang barko na sinubukang pumasok sa katubigan ng China.

Ani Año, ang nasirang barko ay naibalik na sa Palawan matapos na magawang mapagana ulit ang makina nito.

“We will not be deterred. We will not be intimidated,” ayon sa opisyal. RNT/JGC

Previous articleMga biyahero dumaragsa na sa PITX sa Holy Week exodus
Next articleP12M shabu na isinilid sa tea bags, nasabat sa Sorsogon