Home METRO P12M shabu na isinilid sa tea bags, nasabat sa Sorsogon

P12M shabu na isinilid sa tea bags, nasabat sa Sorsogon

MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang aabot sa P12 milyong halaga ng hinihinalang shabu na isinilid sa mga bag ng tsaa.

Ayon sa ulat, nasa dalawang kilo ang timbang ng mga nasamsam na droga na nabisto sa isinagawang buy-bust operation sa Sorsogon.

Ang mga Chinese tea bags ay nakabalot pa sa mga parcel.

Nakuha ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P12 milyong halaga ng shabu sa dalawang high-value target na biyahero sa Matnog Port.

Walang tugon ang mga suspek kaugnay nito. RNT/JGC