MANILA, Philippines – Business as usual si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kabila ng mag kasunod na dalawang inilabas na video ni dating AKO Bicol partylist Zaldy Co na nagdadawit sa Punong Ehekutibo sa budget insertion.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hindi magpapapigil ang Pangulo sa pagtatrabaho sa kabila ng naging alegasyon ni Co na una ng tinawag ng PCO official na isang propaganda lamang.
Giit pa ni Castro, walang mangyayari sa bansa kung magpapapigil ang Chief Executive sa ganitong uri ng paninira.
Sa katunayan ay dinaluhan pa ng Presidente ang Philippine Chairship ng ASEAN nuong Biyernes ng gabi o ilang oras pagkatapos na inilabas ni Zaldy Co ang kanyang video.
At sa tuloy- tuloy na pagta- trabaho ng Pangulo sa harap ng mga kaganapan at kasalukuyang sitwasyon ay una na ding kinumpirma ng Palasyo na nakamonitor ang Presidente sa peace rally ng INC.
Samantala, sinabi ni Castro na kailangan din namang madinig kasi ng Pangulo kung anuman ang mga hinaing na ipinapahayag sa ginagawang pagtitipon ng Iglesia Ni Cristo (INC). (KRIS JOSE)