Home METRO Matarik na PWD ramp sa busway station reremedyuhan ng MMDA

Matarik na PWD ramp sa busway station reremedyuhan ng MMDA

213
0

MANILA, Philippines- Gagamit ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng wheelchair lift para sa persons with disability (PWDs) at senior citizens sa kontrobersyal na EDSA Busway station sa Quezon City.

Sinabi ni MMDA acting chairman Atty. Romando Artes na nangako ang contractor ng proyekto na sasagutin lahat ng karagdagang gastos upang ayusin ang serbisyo ng bus carousel.

“Ito po ‘yung wheelchair lift, more likely ito po yung i-implement natin diyan from the footbridge, ilalagay na po natin ito para from the footbridge ilalagay na po natin ito para from the footbridge, isasakay po yung naka-wheelchair at ibaba na po siya dun sa ground level. Ganito po ang aming gagawin na solusyon para magamit po ng ating mga kababayang naka-wheelchair,” wika ni Artes.

“Itatanong n’yo po kung sino gagastos, kinausap ko po yung contractor, ibibigay niya po for free ito pong additional works na ito even yung wheelchair lift so wala pong additional expense sa gobyerno,” dagdag ng opisyal.

Kapag naipatupad na ang plano, umaasa si Artes na maaayos na ang isyu kaugnay ng matarik na PWD ramp sa EDSA.

“I hope this will put the issue to rest. Kami po ay humihingi ng pang-unawa dahil talagang limited po yung space. Sasabihin n’yo bakit hindi n’yo yan inisip before? Hindi po kasi yan kasama sa plano na approved at dun sa budget,” giit ni Artes.

Target umano ng ahensya na matapos ang proyekto sa loob ng isang buwan.

Ihihirit din ng MMDA sa contractor na i-adjust ang kasalukuyang rampa dahil hindi na ito gagamitin ng seniors at PWDs.

“Hindi na po ‘to gagamitin ng naka-wheelchair…puwede nang dire-diretso- walang platform na pantay. Hindi na po siya kailangan dahil hindi na po siya gagamitin ng naka-wheelchair. Papatungan na po namin siya ng semento para dire-diretso po siya,“ anang opisyal. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here