MANILA, philippines – Maaaring tumestigo laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sina Edgar Matobato at Arturo Lascañas sa kanyang paglilitis sa ICC, ayon kay ICC Assistant to Counsel Kristina Conti.
Aniya, maaaring patunayan ng kanilang testimonya ang koneksyon ni Duterte sa DDS. Si Matobato, isang umamin na hitman, ay naglahad ng mga pagpatay na umano’y iniutos ni Duterte, kabilang ang pagpapakain ng isang kidnapper sa buwaya.
Samantala, si Lascañas, isang dating pulis, ay unang itinanggi ang mga akusasyon ngunit kalaunan ay inamin na may basbas ni Duterte ang mga operasyon ng DDS at may bayad sa bawat pagpatay.
Noong 2024, inamin din ni Duterte sa Senado na mayroon siyang death squad. Nasa proteksyon ngayon ng ICC si Matobato, habang nabigyan naman ng limitadong immunity si Lascañas. RNT