MANILA, Philippines – Inilibing na ng Philippine Air Force (PAF) ang dalawang piloto ng bumagsak na FA-50 fighter jet sa Bukidnon.
Si Major Jude Salang-Oy ay inilibing sa Tabuk City, Kalinga noong Marso 15, habang si First Lieutenant April John Dadulla ay nailibing sa Cagayan de Oro noong Marso 17.
Kinilala ng PAF ang kanilang katapangan at sakripisyo. Samantala, ipinadala na sa U.S. ang voice at data recorder ng eroplano para sa pagsusuri, at tumutulong din sa imbestigasyon ang tagagawa nitong Consolidated Aerospace Industries.
Nawawala ang FA-50 jet noong Marso 4 sa isang night operation at natagpuan itong bumagsak kinabukasan. RNT