MANILA, Philippines – Handang makipagtulungan si dating senador Leila de Lima sa International Criminal Court (ICC) sa imbestigasyon nito sa umano’y mga krimen laban sa sangkatauhan sa ilalim ng drug war ni Rodrigo Duterte, ayon sa kanyang abogado.
Sinabi ni Atty. Dino de Leon na nagsumite na si De Lima ng ebidensya at handang tumestigo kung ipatawag.
Bilang dating pinuno ng CHR, si De Lima ang unang nag-imbestiga sa Davao Death Squad at sinundan ito ng pagsisiyasat sa drug war bilang senador bago siya naaresto noong 2017.
Napawalang-sala siya noong 2024.
Nakahanda siyang magtungo sa The Hague bilang saksi.
Nakatakda ang pagdinig ng ICC sa Setyembre 23 upang kumpirmahin ang mga kaso laban kay Duterte, na nakakulong sa The Hague mula Marso 12. RNT