Home HEALTH DA: Mga barangay na sapul ng ASF, kumonti

DA: Mga barangay na sapul ng ASF, kumonti

MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry na bumaba ang bilang ng mga barangay na may kaso ng African swine fever (ASF) mula 68 patungong 66 noong Pebrero 28.

Apektado ang walong rehiyon kabilang ang Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Central, at Caraga.

Ang karamihan sa 42 apektadong syudad at munisipalidad ay sa Central Visayas, partikular sa Bohol kabilang ang Batuan, Bien Unido, Bilar, Catigbian, Dagohoy, Loon, Panglao, San Miguel, Tagbilaran City, Talibon, Trinidad, at Ubay.

Sa Virac, Catanduanes, may walong barangay na nasa red zone.

Mayroon ding bagong kaso sa Batangas.

Patuloy ang mahigpit na border control, ASF vaccination, at repopulation efforts ng pamahalaan upang matulungan ang mga hog farmer. Santi Celario