Home HEALTH PhilHealth package sa mga nakagat ng hayop, tinaasan

PhilHealth package sa mga nakagat ng hayop, tinaasan

MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Health na may 55 na pagkamatay dahil sa rabies mula Enero 1 hanggang Marso 1, 2025.

Dahil inaasahang tataas ang kaso ng kagat ng hayop, itinaas ng PhilHealth ang Animal Bite Treatment (ABT) package mula P3,000 patungong P5,850.

Sinasaklaw nito ang post-exposure prophylaxis, bakuna laban sa rabies, immune globulin, pangangalaga sa sugat, tetanus shots, at antibiotics.

Hinihikayat ng PhilHealth ang responsableng pag-aalaga ng hayop at pagpapabakuna upang maiwasan ang rabies.

Noong 2024, umabot sa 426 ang namatay dahil sa rabies, kung saan kalahati ay galing sa alagang hayop. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tawagan ang 24/7 hotline ng PhilHealth. RNT