Home HOME BANNER STORY Medialdea isinugod sa ospital

Medialdea isinugod sa ospital

NETHERLANDS – Isinugod sa ospital sa Netherlands si dating Executive Secretary Salvador Medialdea matapos siyang magkasakit habang bumibisita kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC detention center, ayon sa Embahada ng Pilipinas.

Nawalan siya ng malay habang nagre-rehistro sa reception at agad na inasikaso ng medikal na tauhan bago dalhin sa isang ospital sa The Hague.

Kasama niya roon ang isang malapit na kamag-anak.

Isa si Medialdea sa mga legal na tagapayo ni Duterte at kasama niya nang dalhin siya mula Pilipinas patungong Netherlands para humarap sa ICC. RNT