MANILA, Philippines – SINABI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang record ng pasaporte at biometric records ang self-confessed hitman na si Edgar Matobato kahit pa isiniwalat sa New York Times article na nakapuga ito palabas ng bansa.
“The Department of Foreign Affairs (DFA) has found no passport and biometrics records under the name ‘Edgar Matobato’,” ayon sa DFA.
“Any application under a new or assumed identity will be flagged by the system, and a Philippine passport will not be issued, if there is already an existing record and biometrics in the database,” dagdag na pahayag ng departamento.
Tiniyak ng DFA na nagsasagawa na ng imbestigasyon hinggil sa bagay na ito at “refer the matter to law enforcement agencies and relevant authorities for further investigation” kung sinasabi ng ebidensiya na kailangan pa ang isang karagdagang pagsisiyasat.
“Fraudulent application for passport is a serious offense punishable under the Passport Law,” diing pahayag ng DFA.
Samantala, noong nakaraang linggo, idinetalye ng New York Times sa artikulo nito ang pagtakas ni Matobato mula sa Pilipinas. Sinasabing umalis ng Pilipinas si Matobato kasama ang kanyang asawa at dalawang anak.
Si Matobato ay ‘pitong taon nang nagtatago simula noong 2017 kung saan ay may kinahaharap na kasong kidnapping case noong 2002.
Inuugnay rin ito sa umano’y dating miyembro ng death squad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City. Kris Jose