Home NATIONWIDE Matriach ng Maute terrorist group hinatulang makulong ng 40 taon

Matriach ng Maute terrorist group hinatulang makulong ng 40 taon

MANILA, Philippines – Hinatulan ng Taguig RTC na makulong ng hanggang 40 taon ang itinuturing na “matriarch” ng pamilyang Maute sa Marawi City.

Sa 39 pahinang desisyon ng Taguig RTC Branch 266 napatunayang guilty si Ominta Romato Maute dahil sa paglabag sa Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012.

Ipinag-utos na makulong ang nakatatandang Maute mula 17 taon at apat na buwan hanggang 40 taon na pagkakulong.

Si Ominta ay ina nina Omar at Abdullah Maute na siyang nagtatag ng Maute terrorist group.

Naaresto si Ominta kasama ang iba pang hinihinalang miyembro ng Maute Group noong June, 2017 sa Lanao del Sur.

Ayon sa Korte, napatunayan ng prosekusyon ang tulong na ipinagkakaloob ni Ominta sa grupo sa pamamagitan ng sasakyan na nakapangalan sa kanya. Ang naturang sasakyan ay nilagyan ng improvised explosive device (IED) matapos iabandona pra maghasik ng terorismo.

Magugunita na ang Maute group ang sumalakay sa Marawi City noong May 2017 na nagresulta ng limang buwan na bakbakan sa pagitan ng militar na nagresulta sa libo libong nasawi.

Samantala itinuring ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na malaking panalo para sa gobyerno ang maging hatol kay Ominta. Teresa Tavares