Home NATIONWIDE Maulang Pasko mararanasan sa Luzon

Maulang Pasko mararanasan sa Luzon

Ang shear line ay inaasahang magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms sa ilang bahagi ng Luzon, kabilang ang Metro Manila, at Eastern Visayas sa Araw ng Pasko, ayon sa PAGASA.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, Eastern Visayas, Marinduque, Romblon, at Mindoro provinces.

Ang Cagayan Valley at ang Cordillera Administrative Region ay makakaranas ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon, habang ang Ilocos Region ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may pulu-pulong mahinang pag-ulan.

Ang ibang mga lugar sa bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng easterlies.

Samantala, ang Tropical Cyclone Pabuk, na matatagpuan sa layong 335 kilometro sa kanluran ng Kalayaan, Palawan, ay patuloy na kumikilos pakanluran-timog-kanluran, na may pinakamataas na lakas ng hangin na 65 km/h at pagbugsong aabot sa 80 km/h. RNT