Home NATIONWIDE PBBM sa mga Pinoy ngayong Pasko: Mamuhay nang may kabuluhan at layunin

PBBM sa mga Pinoy ngayong Pasko: Mamuhay nang may kabuluhan at layunin

MANILA, Philippines – NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Filipino na mamuhay nang may kabuluhan at layunin.

Bahagi ito ng mensahe ni Pangulong Marcos ngayong araw ng Pasko habang nakikiisa sa sambayanang Filipino sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

“As Filipinos take this highly anticipated chance to come home, reconnect with loved ones, and relish the blessings of the past year, I call on everyone to reflect on what is truly important: living a life of meaning and purpose,” ang Christmas message ng Pangulo.

“By doing so, may the bustle and spirit of Christmas make love and peace abound in every household and instill in us a deeper appreciation of the strength that comes from our relationship with Christ and each other,” aniya pa rin.

Habang nagsusumikap ang bansa na magtatag ng Bagong Pilipinas, nanawagan ang Pangulo sa mga mamamayan na tularan ang liwanag na

“that led the wise men to meet the infant in the manger so others may see and experience the hope that the Lord Almighty freely offers to us all.”

Binigyang diin din ng Punong Ehekutibo ang kahalagahan ng okasyon sa mga Kristiyanong mananampalataya na aniya’y mahalagang bahagi ng kanilang ‘deeply-held beliefs.’

“While it heralds the birth of Jesus Christ, our Savior, it also marks the moment we experience the presence of God in its nearest and most intimate form, evoking gratitude, kindness, and happiness to one and all,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“This makes both the celebration and significance of Christmas transcend the constraints of religion, extending its invitation of joy and thanksgiving to everyone no matter their background,” ang winika ng Pangulo.

Matatandaang, sa mga nagdaang pahayag ng Pangulo, hangad nito na maramdaman ng mga mamamayan ang diwa ng Kapaskuhan sa kabila ng mga hamon ngayong taon, hiniling sa mga ito na damayan ang mga nananatiling nakalugmok dahil sa mga epekto ng sunod-sunod na kalamidad na tumama sa bansa. Kris Jose