Home NATIONWIDE Maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan sa bansa dahil sa habagat

Maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan sa bansa dahil sa habagat

MANILA, Philippines – Ang Habagat ay magdadala ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao ngayong Biyernes, iniulat ng PAGASA.

Ang Quezon, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, at Mindanao ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa habagat na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila, ang nalalabing bahagi ng CALABARZON, Zambales, at Bataan ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa habagat na may mga pagbaha o pagguho ng lupa na posibleng magaganap sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog.

Ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorms na may posibleng flash flood o landslides sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog.

Ang buong bansa ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang bilis ng hangin na kumikilos sa timog-kanluran hanggang timog-silangan habang ang mga baybaying dagat ay magiging mahina hanggang sa katamtaman.

Sumikat ang araw bandang 5:28 a.m., habang lulubog ito sa 6:28 p.m. RNT