Home HOME BANNER STORY Pinay Hajj pilgrim patay sa sobrang init sa Makkah

Pinay Hajj pilgrim patay sa sobrang init sa Makkah

MANILA, Philippines – Patay ang isang 37-anyos na Filipina pilgrim dahil sa matinding init sa taunang Hajj sa Saudi Arabia, sinabi ng Philippine Embassy sa Riyadh nitong Huwebes ng gabi.

Kinumpirma ni Philippine Embassy Chargé d’Affaires Rommel Romato na pumanaw ang Pinay noong Hunyo 16 “dahil sa matinding kondisyon ng panahon.”

Ang Pinay, na nagmula sa Kanlurang Mindanao, ay isang overseas Filipino worker (OFW) na nakabase sa Saudi Arabia at hindi bahagi ng Hajj delegation na inorganisa ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF).

Sinabi ni Romato na ang Philippine Embassy at Consulate General hajj assistance teams, gayundin ang Migrant Workers Office sa Jeddah ang nag-coordinate sa kanyang libing sa Makkah noong Hunyo 19.

Batay sa data mula sa NCMF Hajj supervisory team, hindi bababa sa 5,060 Filipino pilgrims ang kalahok sa Hajj ngayong taon, hindi kasama ang humigit-kumulang 200 NCMF support staff. RNT