Home NATIONWIDE Mga mananaya bokya sa P134M lotto jackpots

Mga mananaya bokya sa P134M lotto jackpots

MANILA, Philippines – Bokya ang mga mananaya sa major jackpot lotto draw nitong Huwebes, Hunyo 20, 2024.

Hindi nahulaan ang mga tamang kumbinasyon para sa Super Lotto 6/49 at Lotto 6/42, na ibinola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang panalong kumbinasyon para sa Super Lotto 6/49 ay 12-36-01-18-03-42. Ang jackpot ay nasa P70,642,363.

Ang mga nanalong numero para sa Lotto 6/42 ay 07-16-15-12-18-35. Ang premyo ay P64,304,470. RNT