Home NATIONWIDE Maulap na kalangitan, pag-ulan asahan sa malaking bahagi ng Luzon

Maulap na kalangitan, pag-ulan asahan sa malaking bahagi ng Luzon

320
0

MANILA, Philippines – Apektado ng easterlies ang malaking bahagi ng Luzon ngayong Huwebes, Oktubre 16.

Ayon sa PAGASA, asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Metro Manila, Visayas, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Aurora, Bulacan, at Isabela.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Luzon dahil pa rin sa easterlies.

Habang Northeasterly Windflow ang makakaapekto sa Batanes, Babuyan Islands, at Ilocos Norte, at localized thunderstorms naman sa Mindanao. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here