Home ENTERTAINMENT Maureen, nabulag ng 2 taon!

Maureen, nabulag ng 2 taon!

Manila, Philippines- Walang choice si Maureen Larrazabal kundi umuwi ng bansa dahil sa kanyang pagkakabulag.

Kuwento niya sa programang Lutong Bahay ng GMA, nasa Hongkong siya ng mga panahong ‘yon.

Ang sanhi ng kanyang pagkabulag ay dahil natulog siya nang hindi tinatanggal ang kanyang suot na contact lenses.

Tumitigas daw kasi ‘yon pag hindi napapatakan ng eye drops.

Her eyes developed pseudonomas.

In layman’s term, pinasukan ng bacteria ang cornea ng sexy comedienne.

Sa loob daw ng 24 oras ay matutunaw raw ang mga mata na magreresulta sa blindness.

Umabot daw nang dalawang taon ‘yon sa kaso niya.

Bale ba, to make matters worse ay napakahirap daw makipag-communicate sa mga taga-Hongkong.

Kaya pinayuhan na lang daw si Maureen na: “Go home, blind!”

Thankfully, hindi naman daw siya pinabayaan ng GMA.

Inalok pa rin kasi siya na mag-taping sa kabila ng kanyang kalagayan.

‘Yun nga lang daw, Maureen needed to wear shades while working.

Umaasa si Maureen na mai-impart niya ang natutunang aral sa kanyang medical journey. Ronnie Carrasco III