MANILA, Philippines- Hindi magkaalitan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at kanyang kapatid na si Senator Imee Marcos, kasunod ng pag-alis ng huli sa senatorial ticket ng administrasyon, base sa Malacañang nitong Huwebes.
Sa media briefing nitong Huwebes, tinanong si Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro ukol sa relasyon ng dalawang magkapatid matapos opisyal na ianunsyo ng reelectionist senator ang pag-alis niya mula sa Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas at kanyang inisyatiba na imbestigahan ang pag-aresto kay Pangulong Rodrigo Duterte.
“We cannot say that there is a rift, hintayin na lang po natin kung may sasabihin ang Pangulo… sa ugali ng Pangulo, hindi siya pikon…” ani Castro.
Inanunsyo ni Imee na opisyal siyang umalis sa senatorial ticket ng administrasyon. Sa kanyang pahayag, binanggit niya ang mga aksyon ng pamahalaan ng Pilipinas sa pag-aresto kay Duterte, na kaiba sa kanyang prinsipyo.
Inihayag ni Navotas City Rep. Toby Tiangco, campaign manager ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, na nirerespeto nila ang desisyon ng senador.
Sa news forum nitong Sabado, sinabi ni Imee na ikinasa niya ang Senate hearing sa pag-aresto kay Duterte nang walang intensyong siraan ang administrasyon ng kanyang kapatid. RNT/SA