Home OPINION MAUUBOS ANG MALAKING IPON KUNG HINDI TAMA ANG ESTILO NG PAMUMUHAY

MAUUBOS ANG MALAKING IPON KUNG HINDI TAMA ANG ESTILO NG PAMUMUHAY

ANG paksang aking tatalakayin ay isang mahalagang aspekto ng buhay na minsan ay tila nababalewala ng marami sa atin, ngunit may napakalaking papel sa maayos at komportableng pagtanda. Ito ay ang paghahanda para sa ating kina­bukasan partikular na sa aspekto ng ka­lusugan at social pension.

Hindi natin mapipigilan ang pagtanda, bahagi ito ng siklo ng buhay. Kaya mahalaga na maaga pa lamang ay mayroon na tayong mga hakbang na ginagawa para siguraduhing magiging maayos ang ating kalagayan sa pagtanda sa hinaharap. Isa sa pinakamahalagang aspekto ng paghahanda ay ang pagkakaroon ng maayos na kalusugan. Tandaan natin, walang halaga ang malaking ipon kung ang ating kalusugan ay hindi maayos. Kaya’t simula pa lamang, ugaliin na ang pagkakaroon ng tamang lifestyle o estilo ng pamumuhay. Mahalaga ang pagkain ng masustansya, umiwas sa mga bisyo, at maging aktibo sa pisikal na aktibidad. Ang bawat hakbang natin patu­ngo sa malusog na pamumuhay ay isang hak­bang rin patungo sa matiwasay na pagtanda.

Pamilyar tayo sa kasabihang “life be­gins at 40”, kaya ito nasabi dahil sa pagtungtong sa nasabing bahagi ng buhay, doon na unti-unting naglalabasan ang mga palatandaan kung papaano natin iginugol ang ating kabataan. Sa yugtong ito dapat ay aktibo na tayo sa madalas na pagpapa-check-up para malaman ang kondisyon ng mga pangunahin na­ting organo sa ating katawan.

Kung noon ay nagagamit nating “excuse ang kawalan ng pera para sa pagpapa-check-up, sa ngayon, hindi na dapat dahil alinsunod sa Universal Health Care Law na isang landmark law ng Duterte administration, nagresulta ito sa pagka­karoon ng “PHILHEALTH KONSULTA” o Konsultasyong Sulit at Tama kung saan bawat taon ay maaari tayong magpa-check-up sa ospital kung saan tayo magpaparehistro. Sa pamamagitan nito, mababantayan natin ang antas ng ating kalusugan na wala tayong inilalabas na pe­ra o kait wala tayong pera.

Ang PHILHEALTH KONSULTA isang programa ng Philippine Health Insurance Corporation na naglalayong magbigay ng mas abot-kayang serbisyong pangkalusu­gan sa mga Filipino. Sa ilalim ng progra­mang ito, ang mga miyembro ng PHILHEALTH at kanilang mga dependent ay magkakaroon ng access sa pangunahing pangangalaga sa kalusugan sa pamama­gitan ng mga accredited na KONSULTA providers sa kanilang lugar.

Binubuo ito ng libreng konsultasyon, laboratory tests, at iba pang panguna­hing serbisyo. Layunin ng programang ito na masiguradong natutugunan ang pangunahing pangangailangan sa kalusugan ng bawat Filipino bago pa man lumala ang mga sakit. Sa halip na magpatingin la­mang ka­pag malubha na ang karamda­man, hinihikayat ng PHILHEALTH KON­SULTA ang bawat isa na makipag-ugnayan sa kani­lang health providers para sa regular na check-up at preventive care.

Ang PHILHEALTH KONSULTA ay isang makabuluhang programa na makakatulong sa pagpapabuti ng kalusugan ng bawat Filipino.
Sa tulong ng regular na konsultas­yon, laboratory tests, at pangunahing gamot, masisiguro ng bawat miyembro na mabibigyang-pansin ang kanilang kalusugan bago pa man magkaroon ng mas ser­yosong kondisyon. Hinihikayat ang lahat ng PhilHealth members na samantalahin ang mga benepisyong ito upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan at magkaroon ng mas maliwanag na kinabukasan.