MANILA, Philippines – Sapat ang P42 kada kilo na presyo ng bigas para magbigay ng “happy balance” sa pagitan ng pangangailangang kita ng mga magsasaka at abot-kayang bilihin ng mga consumer, sinabi ng Department of Agriculture nitong Lunes, Nobyembre 18.
“I think well-milled rice around the P42 per kilo will provide a happy balance between our goal of ensuring our farmers get a decent return for their hard work and consumers have access to affordably-price food, especially rice,” saad sa pahayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
“While we aim to drive down food costs, we are also mindful of the needs of our primary stakeholders—our farmers and their families, who work tirelessly in the fields but have not fully reaped the benefits of their labor,” dagdag pa niya.
Sinabi ng DA na ang retail prices ng well-milled na bigas sa Pilipinas ay mas mura na kumpara sa bigas mula Thailand at China.
Sa monitoring noong nakaraang linggo, sinabi ng DA na nasa P45 hanggang P52 ang presyo sa kada kilo ng well-milled rice sa bansa.
Ayon sa DA, ang kada kilo sa presyo ng bigas mula Thailand ay P51.95 hanggang P132.7, habang ang kaparehong kalidad ng bigas mula China ay P44.47 hanggang P88.86.
Kamakailan ay ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Budget and Management (DBM) na palawakin ang Rice-for-All at P29 kada kilo na rice programs sa ilalim ng Kadiwa ng Pangulo Program “to bring affordable rice within reach for more communities across the country.” RNT/JGC