Manila, Philippines- Finally, umamin na rin si Ashley Ortega na jowa niya na si Mavy Legaspi.
Sa guesting kasi ng aktres sa Fast Talk With Boy Abunda, diretsahan siyang tinanong ni Kuya Boy kung may relasyon na nga ba sila ngayon ni Mavy.
At ang sagot ni Ashley, “Yes! It’s obvious naman na.”
Ikinwento ni Ashley kung paano sila nagkakilala ni Mavy.
Ayon sa kanya, meron silang common friends na ipinakila sila sa isa’t-isa. Pero last year lang sila nagsimulang mag-date.
“I think it started na parang there was one night kasama ‘yung mga friends namin, so doon ko siya nakilala.
“Then nagtuluy-tuloy na. And then he asked me out if we can have lunch or dinner together just to get to know each other. Then, nagtuluy-tuloy na,” aniya pa.
Ilan sa mga qualities na nagustuhan ni Ashley kay Mavy ay ang pagiging thoughtful at generous nito.
“Hindi naman kasi ako magrandeng tao na kailangan ng flowers or surprises or whatsoever.
“Ano lang talaga, more on conversational lang talaga ako,” sey ng dalaga.
Agad namang nilinaw ni Ashley na pareho na silang single ni Mavy nang magsimula silang mag-date exclusively. Hiwalay na raw siya sa ex-boyfriend niyang politician na si Luceny City Mayor Mark Alcala at hiwalay na rin daw si Mavy kay Kyline Alcantara.
Kaya hindi raw totoo ang chika na siya ang dahilan ng breakup ng boyfriend at ni Kyline. Rommel Placente