Home ENTERTAINMENT Max, may ipinalit na kay Pancho!

Max, may ipinalit na kay Pancho!

Manila, Philippines — Bagama’t hiwalay na, masasabi na huwaran o worthy of emulation ang sinapit nina Max Collins at Pancho Magno.

Married noong 2017, naghiwalay ang mag-asawa noong 2021.

Ligal na separado na sila noong 2024.

Dahil American citizen, naghanap si Max ng divorce.

Isang anak — si Skye — ang bunga ng kanilang maikling pagsasama.

Sa kabila ng nangyari, maayos nilang ipinaunawa sa publiko na posibleng maging civil ang estranged celebrity couples.

Ang kahanga-hanga, hindi kailanman narinig ang paninira nila sa isa’t isa.

Kumbaga, nananatili ang mutual respect, kahit para sa kapakanan ng kanilang anak.

Pareho silang bukas na pumasok sa panibagong relasyon.

Tulad ngayon, may balitang may Spanish businessman na boyfriend si Max.

Ito ang dahilan kung bakit madalas siyang lumabas ng bansa.

Samantala, wala pa tayong naririnig kung nakatagpo na rin ba si Pancho ng kapalit ni Max.

Nawa’y maging masaya at matagumpay ang dalawa.
(Ronnie Carrasco III)