Maxine Medina, Miss Philippines 2016 is announced as a top 6 finalist during The 65th MISS UNIVERSE® Telecast airing on FOX at 7:00 PM ET live/PT tape-delayed on Sunday, January 29 from the Mall of Asia Arena. The contestants have been touring, filming, rehearsing and preparing to compete for the Miss Universe crown in the Philippines. HO/The Miss Universe Organization
Manila, Philippines – Kasama sa cast ng Magandang Dilag ang malapit nang ikasal na si Maxine Medina.
Ngayong taon ng October na gaganapin ang church wedding at beach wedding nila ng kanyang fiance na si Timmy Llana.
At kung walang magiging problema ay mauuna ang church wedding nila bago ang kanilang beach wedding.
Kahit busy si Maxine sa pagte-taping ay hands-on pa rin siya sa pag-aasikaso ng kasal nila ni Timmy at nagpapasalamat ang beauty queen/actress na hindi siya naha-haggard dahil ini-enjoy lang niya ang kanyang ginagawa.
Samantala, kontrabida ang role ni Maxine sa Magandang Dilag na idinidirek ni Don Michael Perez sa Kapuso network.
Sa nabanggit na afternoon series ay aapihin at sasaktan nila nina Bianca Manalo at Angela Alarcon si Herlene Budol.
“But after the sakitan scene, lumalapit kami kay Herlene at nagso-sorry, pati sa iba pa naming nakaka-eksena.
“Walang personalan, nagkasama na rin kami sa Magpakailanman at kilalang-kilala ko siya. Alam ko ang story ng buhay niya at na-witness ko lahat. I`m happy for her,” say ni Maxine.
Isa rin si Maxine sa umaalalay kay Herlene sa tuwing nagtatapos ang eksena lalo na kapag hindi agad makapag-let go si Herlene sa kanyang character. Nandoong nilalapitan niya ito at kinakausap ng paulit-ulit para sabihan na mag–let go na.
“Pagod ako sa mga eksena ko every taping dahil lagi akong galit. In real life, hindi ako nagagalit,” say pa niya. Gerry Ocampo