MANILA, Philippines – Inatasan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kumpanyang may-ari ng nasunog na bus noong Abril 24 na magbayad ng danyos sa nasirang bahagi ng EDSA-Ortigas interchange.
Ayon sa DPWH, dapat bayaran ng LS8 Toruism Transportation Corp (LS8) ang lahat ng gastos sa repair at rehabilitasyon ng flyover upang maibalik sa maayos an kondisyon ang nasabing interchange.
Sa sulat ni Secretary Vince Dizon sa LS8 , sinabi niya na dapat ring bayaran ng kumpanya ang anumang karagdagang gastos ng ahensya oras na matapos ang detalyadong structure evaluation pati na rin ang permanenteng remedies Works na gagawin sa imprastruktura.
Ang nangyaring insidente ay nagdulot ng matinding bigat ng daloy ng trapiko at dahilan para suspendihin ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 3.
Una nang sinabi ni LTFRB Chairman Vigor Mendoza III na ang kaso ay lumalabas na na mayroong mga pagkukulang ang kumpanya lalo na sa regular maintenance ng sasakyan.
Aniya ang insidente ay magsilbi nang aral sa lahat ng operators upang masiguro ang roadworthiness ng kanilang mga bus. Jocelyn Tabangcura-Domenden