Home HOME BANNER STORY May bago ng Santo Papa; puting usok nasilayan na!

May bago ng Santo Papa; puting usok nasilayan na!

Naglabas na ng puting usok ang tsimenea ng Sistine Chapel, hudyat na may bagong halal na Santo Papa ang Simbahang Katolika.

Ibig sabihin, mayroong cardinal na nakakuha ng hindi bababa sa 89 boto mula sa 133 kardinal na bumoboto sa ikalawang araw ng conclave upang pumili ng kahalili ni yumaong Pope Francis.

Nagdiwang ang mga tao sa St. Peter’s Square. Iaanunsyo pa ang pangalan ng bagong Santo Papa sa pagbikas ng “Habemus papam!” mula sa balkonahe ng St. Peter’s Basilica, kasunod ang kanyang pangalan sa Latin at ang bagong pangalang pinili niya.

Inaasahang lalabas rin siya roon para sa kanyang unang pagbabasbas sa publiko. RNT