Home NATIONWIDE May ulong gugulong sa pag-recycle ng nasabat na puslit na yosi –...

May ulong gugulong sa pag-recycle ng nasabat na puslit na yosi – BOC

MANILA, Philippines – TINIYAK ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Y. Rubio na magkakaroon ng rigodon o pagpapalit ng kanilang mga tauhan kung makumpirma ang mga ulat na may ilang tauhan ng ahensya ang sangkot sa pagkakadiskubre ng tangkang muling pagbebenta ng P270 milyong halaga ng mga nasabat na kontrabandong sigarilyo mula sa Capas, Tarlac.

Iniulat ng National Bureau of Investigation (NBI) na kasalukuyan nilang iniimbestigahan ang posibleng pagkakasangkot ng ilang tauhan ng BOC sa pagkakatuklas ng tangkang muling pagbebenta ng mga smuggled na sigarilyo na nauna nang nasabat ng kawanihan.

“I already instructed the Intelligence Group’s Customs Intelligence and Investigation Service to look into this matter and report to me immediately. The NBI has our full cooperation and I promise that anyone found involved in this will be held accountable. Heads will roll,” ani Commissioner Rubio.

“We are one with the NBI and thank them in the fight against cigarette smuggling. We have made significant progress in this regard, seizing P5.1 billion worth of e-cigarettes/vapes and P4.1 billion worth of tobacco and cigarettes, for a total of almost P9.3 billion last year,” dagdag pa ng opisyal.

Sinabi ni Port of Subic Acting District Collector Marlon Fritz Broto na nang matanggap ang ulat, agad na inutusan ng Office of the District Collector (ODC) ang Acting Chief ng Auction and Cargo Disposal Unit (ACDU) na bumuo ng isang team at makipag-ugnayan sa NBI, at sa local government unit upang magbigay linaw hinggil sa mga nasabat na sigarilyo.

Nabatid sa BOC na dumating ang mga shipment na ito sa Port of Subic sa apat na pagitan mula Hulyo 2021 at Hunyo 2022. Ang mga ito ay inabandona at agad na kinuha at isinangguni para sa tamang disposal noong 2023.

“Once the bond was settled, the process began and the condemnation started last January 6 and again on February 9 when the last three containers were transported to the said facility,” ani Broto.

Binanggit din ng acting district collector at abogado ang resulta ng kanilang imbestigasyon na nagpakita na ang buy-bust operations ng NBI ay naganap sa panahon ng pagbabago ng shift para sa mga tauhan ng ACDU, ESS, at CIIS Port of Subic Customs na nagbabantay sa proseso ng pagkondena.

Nabanggit din niya na ang pagkondena sa mga lalagyan ay naganap sa loob ng regulatory period.

Ayon sa BOC, sa limang container na napag-alamang smuggled, apat ang orihinal na naka-consign sa Hongcim International Corp. at isa ay naka-consign sa Proline Logistics Philippines Inc.

Kinumpirma ng BOC ang Hazchem North bilang ang kumpanya ng pagtatapon ng basura ay nakipagkontrata upang itapon ang mga sigarilyo.

Ito rin ang kumpanyang sinabi ng may-ari ng NBI na nag-utos umano sa kanyang environmental consultant na maghanap ng bibili ng mga kalakal.

“Our coordination with the NBI has always been one of the reasons our operations have been successful. If the investigation targets someone from our team, that’s all the more reason we should work together with the NBI to get to the bottom of this and hold people accountable,” ani Commissioner Rubio.

“We are an open book. Anything the NBI needs from us, we’ll be committed and eager to provide access to them,” dagdag pa ng BOC chief. Jay Reyes