Home OPINION MAYNILAD MAY LIBRENG PAGPAPASIPSIP NG SEPTIC TANK NGAYONG PEBRERO

MAYNILAD MAY LIBRENG PAGPAPASIPSIP NG SEPTIC TANK NGAYONG PEBRERO

181
0

NAG-AALOK ang Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad), ang concessionaire para sa West Zone, ng serbisyo sa paglilinis ng septic tank para sa mga residential at semi-business custo­mers nito ngayong Pebrero.

Ang serbisyo ay isasagawa sa mga piling bahagi ng Caloocan, Las Piñas, Maynila, Muntinlupa, Parañaque, Pasay, Quezon City, Valenzuela, at lalawigan ng Cavite nang walang karagdagang bayad.

Ang sanitation program na ito ay bahagi ng mga hakbang ng Maynilad upang mabawasan ang polusyong dumadaloy sa mga sistemang ilog ng Metro Manila.

“Hinihikayat namin ang aming mga customer na samantalahin ang serbisyong ito, dahil makatutulong ito sa pagprotekta sa kalusugan ng komunidad at ng kapaligiran,” pahayag ni Engr. Zmel Grabillo, Head ng Wastewater Management ng Maynilad.

Mga Sakop na Lugar

Maaaring mapakinabangan ang serbisyo ng desludging sa mga sumusunod na barangay:
Caloocan: Barangay 132 hanggang Barangay 136.
Las Piñas: Barangay Manuyo I at II.
Maynila: Port Area, Sampa­loc, at Sta. Cruz.
Muntinlupa: Brgy. Tunasan.
Pasay: Brgy. San Roque.
Parañaque: Baclaran, La Huerta, Marcelo Green, Moonwalk, Sto. Niño, at Tambo.
Quezon City: Baesa, Dama­yan, Doña Imelda, Greater Fairview, Kaligayahan, Manresa, Mariblo, Nagkaisang Nayon, San Antonio, San Jose, St. Peter, at Unang Sigaw.
Valenzuela: Balangkas, Ca­numay East, Gen. T. De Leon, at Lingunan.

Sa Lalawigan ng Cavite, sakop din ang mga piling barangay sa Bacoor City (gaya ng Aniban I, Molino I at II, at Talaba III-VII) at Imus City (Malagasang I-D, I-E, at I-F).

Ang karaniwang halaga ng pagpapalinis ng septic tank ay nasa Php4,700 bawat trak, ngu­nit libre ito para sa mga kwa­lipikadong customer.

Paano Mag-avail?

Para sa mga interesadong customer, maaaring tumawag sa Maynilad Hotline 1626 upang malaman ang mga kinakaila­ngan at proseso.

May karagdagang impormasyon din sa kanilang website (www.mayniladwater.com.ph) at sa kanilang mga social media account sa X (@maynilad) at Facebook (/MayniladWater).

Ang Maynilad ang pinakamalaking pribadong water concessionaire ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa Pilipinas base sa bilang ng mga customer nito. Sineserbisyuhan nito ang mala­king bahagi ng Metro Manila at ilang mga lungsod at bayan sa Cavite.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here