Home NATIONWIDE P4.6M puslit na langis, nasabat sa Batangas; 5 arestado

P4.6M puslit na langis, nasabat sa Batangas; 5 arestado

183
0

MANILA, Philippines – ARESTADO ang limang kalalakihan sa kasong oil pilferage na nagkakahalaga ng P4.6 milyon kaninang madaling-araw sa Barangay Banaba Center, Batangas City.

Ang limang suspek ay kinilala sa mga alyas Roel, 51, truck driver, at alyas Ian, 28, truck helper, na pawang residente ng Barangay Niyog III, Bacoor, Cavite; alyas Rubie, 38, truck driver, tubong Tubod, Surigao del Norte; at sina alyas Noriel, 46, at alyas Ariel, 21, kapwa caretaker at nakatira sa Barangay Guisquis, Sariaya, Quezon.

Batay sa report sa tanggapan ni PBGen. Paul Kenneth T. Lucas, regional director ng PRO-4A Calabarzon, dakong alas-4:21 ng madaling-araw nang magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence Division/Regional Special Operations Unit 4A, Batangas Police Provincial Intelligence Unit, at Batangas Component City Police Station hinggil sa smuggling at ilegal na aktibidad ng petroleum products.

Napag-alaman na naaktuhan umano ang mga suspek na nagsasagawa ng paglilipat ng petroleum products mula sa lorry truck patungo sa IBC plastic containers, kung saan ang mga naturang petroleum products ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php4,633,400.00.

Narekober sa isinagawang operasyon ang 21 IBC plastic containers na naglalaman ng petroleum products na tinatayang nasa halagang P856,700.00; 65 empty IBC plastic containers; isang Sinutruk tank truck na may plakang NIL-3970 na may laman na 30,000 liters ng methanol na nagkakahalaga ng Php900,000.00; isang truck fuel tanker na may plakang NIP-9629 na may kargang 16,000 liters ng gasoline at 4,000 liters ng diesel na tinatayang nagkakahalaga ng P2,876,700.00; at tatlong generators pump na may hose.

“We will not tolerate any form of oil pilferage and smuggling in the region. Our intensified intelligence-driven operations will continue to protect legitimate businesses and ensure that those who violate the law are held accountable,” ayon kay PBGen. Lucas.

Samantala, ang limang suspek ay nasa kustodiya na ng Batangas Component City Police Station habang inihahanda ang mga dokumento para sa pagsasampa ng kaso laban sa kanila sa tanggapan ng Batangas City Prosecutor’s Office. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here