Home METRO Mayon bakwits inayudahan ng higit P10 milyon

Mayon bakwits inayudahan ng higit P10 milyon

198
0

MANILA, Philippines – Mahigit P10 milyon na tulong ang naipamahagi ng pamahalaan at iba pang sektor sa mga pamilyang apektado ng patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Mayon sa Albay, ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ang tulong na nagkakahalaga ng PHP10,266,746.41 sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan ay naibigay sa 1,131 pamilya sa Albay, ayon sa situational update na inilathala noong Lunes.

Nasa 1,304 pamilya o 5,007 katao sa 14 barangay ang naapektuhan ng pag-aalboroto ng Mayon. Sa bilang na ito, 1,114 pamilya ang nasa 12 evacuation centers, habang 17 pamilya ang tumatanggap ng tulong sa labas ng mga silungan.

Itinaas ng Phivolcs ang alert status ng Mayon mula Level 2 patungong Level 3 noong Enero 6, dahil sa tumitinding posibilidad ng mapanganib na pagputok. Iniulat ng ahensya ang paulit-ulit na pagbagsak ng hindi matatag na summit dome ng bulkan, na nagdudulot ng pagtaas sa bilang at dami ng rockfall events.

Mula Enero 1, naitala ang 346 rockfall events at apat na volcanic earthquakes, kumpara sa 599 rockfall mula Nobyembre hanggang Disyembre 2025.

Ang mga rockfall ay tumagal ng isa hanggang limang minuto at nagdala ng lava debris hanggang sa isang kilometro mula sa timog na itaas na bahagi ng bulkan.

Ayon sa mga seismologist ng estado, tumaas ang paglaki ng dome at nagsimula na ang paglabas ng bagong lava sa crater, na sinasabayan ng discrete rockfall na may incandescence tuwing gabi. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here