Home NATIONWIDE PBBM nalungkot sa arrest warrant ni Bong Revilla

PBBM nalungkot sa arrest warrant ni Bong Revilla

240
0
(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagkabahala sa paglabas ng warrant of arrest laban sa dating senador na si Ramon “Bong” Revilla Jr., ngunit iginiit niyang dapat manaig ang due process.

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na sinabi ng Pangulo na malungkot siya dahil kabilang si Revilla sa mga kandidatong kanyang inendorso sa Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas para sa Eleksyon 2025 at kaibigan din niya ang dating senador.

“Sabi niya malungkot siya dahil nakasama niya ‘to sa Alyansa at kaibigan niya si Senator Bong Revilla. Ganu’n pa man, proseso pa rin ang mananaig. So ‘yun na lamang po, kailangan pong pagdaanan ito at may proseso. But still, sinabi po niya na malungkot po siya sa nangyari,” pahayag ni Castro.

Ipinag-utos ng Sandiganbayan Third Division ang warrant of arrest at hold departure order laban kay Revilla at anim pang indibidwal nitong Lunes kaugnay ng umano’y P92.8-milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Sumuko si Revilla Lunes ng gabi sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa Camp Crame. Bago ito, nakapag-post na siya ng P90,000 na piyansa sa Sandiganbayan Fourth Division para sa graft case.

Gayunpaman, iniutos ng Sandiganbayan Special Third Division ang pansamantalang pagkakakulong ni Revilla sa Quezon City Jail sa Payatas para sa malversation case na kaugnay din ng parehong umano’y ghost project. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here