Home METRO Mayon patuloy na naliligalig

Mayon patuloy na naliligalig

101
0

ALBAY, Philippines – Mas maraming seismic activity ang naitala sa Mayon Volcano sa loob ng nakalipas na 24 oras kumpara sa naunang araw, ayon sa state seismologist noong Sabado.

Batay sa 24-hour monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), umabot sa 254 volcanic earthquakes ang naitala sa Mayon Volcano.

Kasama rin dito ang 36 volcanic tremors na tumagal ng isa hanggang 15 minuto, 287 rockfall events, at dalawang pyroclastic density current (PDC) signals.

Nagpakita rin ang bulkan ng lava effusion, kung saan ang lava flow ay umabot sa:

  • 3.8 km sa Basud gully

  • 3.2 km sa Bonga gully

  • 1.3 km sa Mi-isi gully

May kasabay din itong episodic na minor strombolian activity at panandaliang lava fountaining.

Bukod dito, naglabas ang bulkan ng 2,676 tons ng sulfur dioxide (SO₂) noong Biyernes, mas mataas kumpara sa 1,738 tons noong Huwebes.

Mas mataas din ito kumpara sa naunang araw na may 71 volcanic earthquakes, 8 tremors, at 284 rockfall events.

Nanatili ang Mayon Volcano sa Alert Level 3 o intensified unrest.

Bawal pa rin ang pagpasok sa 6-kilometer permanent danger zone at ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa bulkan.

Nagpaalala ang PHIVOLCS na posible pa rin ang mga hazard tulad ng rockfalls, ballistic fragments, lava flows, PDCs, malalakas na pagsabog, at lahar sa mga kalapit na komunidad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here