Home NATIONWIDE Mayor, 16 iba pa patay sa strike ng Israel sa Gaza

Mayor, 16 iba pa patay sa strike ng Israel sa Gaza

Palestinians run along a street as humanitarian aid is airdropped in Gaza City on March 1, 2024, amid the ongoing conflict between Israel and the Hamas militant group. - For months, aid workers have warned of an increasingly desperate situation for Gazan civilians, and on February 26 an official from the UN humanitarian office OCHA said widespread starvation was "almost inevitable". (Photo by AFP)

GAZA – Patay ang 17 katao, kabilang ang pito mula sa UN school housing sa mga strike ng Israel sa Gaza.

Ayon kay Civil defense spokesman Mahmud Bassal, pito katao ang nasawi kabilang ang mga babae at bata, at 10 ang sugatan “when Israeli warplanes targeted the Al-Majida Wasila school west of Gaza City”.

Ang paaralan ay pinatatakbo ng UN agency for Palestinian refugees ngunit karamihan sa mga pasilidad ay nagging makeshift shelter para sa mga residenteng lumikas dahil sa giyera sa Gaza.

Sinabi naman ng Israeli military na tinira nito ang “Hamas terrorists who were operating in a command and control centre embedded” na nasa paaralan.

Ayon naman kay Bassal, tinamaan din ng strike ng Israel ang town hall sa Deir el-Balah sa central Gaza na kumitil sa buhay ng mayor na si Deiab al-Jaro, at siyam iba pa. RNT/JGC