Binalaan ni Senador Risa Hontiveros ang kasalukuyang alkalde ng Sual, Pangasinan na huwag lalabas ng bansa matapos itong isangkot sa pagtakas ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo kasama ang mga kapatid patungong Malaysia.
Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros, nangunguna sa pag-iimbestiga ng illegal na Philippine Offshore Gaming Organization (POGO) sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga na nabulgar sa executive session ang pagkakasangkot ni Mayor Dong Calugay sa pagtakas ni Guo Hua Ping o Alice Guo.
Ayon kay Hontiveros, natuklasan ang umano’y pagkakasangkot ni Calugay sa pagtakas ni Alice Guo at mga kapatid sa ginanap na executive session sa pagdinig ng Senate subcommittee on justice chairperson nitong Huwebes.
“I wish to share that the executive session has surfaced a clear link to Mayor Calugay of Sual, Pangasinan kaya’t I really really hope that the good mayor will make himself available when he’s called. Huwag po sanang bigla kayong umalis sa bansa, Mayor,” ayon kay Hontiveros.
Bago sinuspinde ni Hontiveros ang pagdinig, tinukoy ni Shiela Guo na “parang” sa Pangasinan sila dumaan palabas ng bansa, ngunit hindi nito pinangalanan ni Calugay na “tumulong” sa kanilang pagtakas. Ernie Reyes