MANILA, Philippines – Nanawagan si Paracelis, Mountain Province Mayor Marcos Ayangwa ng agarang tulong para makabangon ang kanyang bayan mula sa hagupit ng mga sunod-sunod na bagyo.
Aniya, kulang na kulang ang calamity fund ng naturang bayan sa lawak ng naging pinsala nito.
“We are exploring all possibilities from the (national government) agencies on how they can help, that is why I am also visiting offices while I am here,” sinabi ni Ayangwa sa panayam nitong Biyernes, Nobyembre 22.
Aniya, ang Paracelis ay mayroong P15 milyong calamity fund, kung saan P5 milyon ang quick response fund.
“Upon our declaration of a state of calamity, we started to help residents with minor repair of their houses damaged by (Severe Tropical Storm) Kristine (international name Trami),” dagdag pa niya.
Sinabi ni Ayangwa na nagamit na ang pondo para sa relief at clearing operations, at ang patuloy na operasyon ng kanilang emergency operations center.
Sa ulat, aabot sa P190 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa Paracelis, kung saan 80 hanggang 90% rito ang saging at mais.
Umabot naman sa P300 milyon ang pinsala sa imprastruktura.
“We are asking for help for the immediate repair of the dikes and the replenishment of major agricultural commodities,” dagdag ng municipal chief. RNT/JGC