MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Biyernes, Nobyembre 22 na nagresulta ang mga anti-drug campaign mula Hulyo hanggang Oktubre 2024 ng nasa P51.4 bilyong halaga ng illegal na droga.
Ayon sa PDEA, narekober ang P49.82 bilyong illegal na droga noong Setyembre, o nasa P1.32 bilyong pagtaas mula sa mga nakumpiskang droga noong nakaraang taon.
Nakakumpiska ang ahensya ng kabuuang 6,554.59 kilo (kgs) ng shabu (crystal meth), 5,772.68 kgs ng marijuana, 75.70 kgs ng cocaine, at 115,081 piraso ng ecstasy.
Naaresto rin nito ang nasa 119,022 indibidwal, at 7,567 high-value targets sa 87,802 operasyon.
Dagdag pa, nabuwag din ang nasa 1,217 drug dens at dalawang clandestine laboratories.
Idineklara naman ng PDEA na drug-free na ang nasa 29,211 barangay, at 6,292 ang nananatiling “drug-affected.”
Matatandaan na sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na susubukan nila ang bagong paraan sa laban kontra droga sa pagtutok sa supply chain. RNT/JGC