MANILA, Philippines – NAKATAKDANG bumiyahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong United Arab Emirates, araw ng Martes, November 26, para sa one-day working visit.
Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na makapupulong ni Pangulong Marcos si UAE President, His Highness Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan, sa Abu Dhabi, Martes ng tanghali.
Umaasa naman ang Malakanyang na malalagdaan ang ilang kasunduan sa panahon ng pagbisita ng Pangulo.
“It is expected that these productive dialogues will lead to agreements that will deepen the ties between the two countries, forging areas of cooperation that mutually harness their shared values and common interests,” ayon sa PCO sa isang kalatas.
Sinabi pa ng Malakanyang na ipararating ni Pangulong Marcos sa UAE government ang pasasalamat ng bansa sa paggamit sa talento ng mga filipino, “allowing it to flourish in an environment that fosters kindness, respect, and tolerance.”
“Though Marcos will just have a lean party — “the barest minimum” — with him on the short visit, “the goodwill and opportunities it will create will be substantial, resulting in stronger Philippine-UAE relations,” ang winika ng PCO.
Samantala, ang hiling naman ni Pangulong Marcos sa Filipino community sa UAE ay pang-unawa dahil kaagad siyang babalik ng Maynila para pagtuunan ang pangangasiwa sa ‘relief and reconstruction activities’ sa mga lugar na sinalanta ng anim na unos at bagyo(Kristine, Leon, Marce, Nika, Ofel, at Pepito). Kris Jose