Home METRO Mayor sinuspinde ng Maguindanao gov

Mayor sinuspinde ng Maguindanao gov

📷: Lisa Española

MANILA, Philippines –  Ipinag-utos ni Maguindanao del Sur Gov. Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ang 60-araw na preventive suspension kay Datu Salibo Mayor Solaiman Sandigan matapos na maisampa ang kasong administratibo laban sa kanya.

Nagkabisa ang suspensyon noong Disyembre 28 na nakapaloob sa Administrative Order No. 23-001 series of 2023, ayon kay provincial administrator Cyrus Torreña.

Inilabas aniya ni Mangudadatu ang suspension order habang dinidinig ng Sangguniang Panlalawigan ang kasong administratibo laban kay Sandigan na nagtalaga umano ng bagong miyembro ng Sangguniang Bayan matapos mapatay ang isang regular na miyembro sa pag-atake noong nakaraang taon.

Inaresto ang 64-anyos na alkalde noong Oktubre matapos itong iugnay sa pagpatay kay Datu Salibo councilor Demson Silongan noong Abril. Ngunit si Sandigan ay binigyan ng pansamantalang kalayaan ng Cotabato City regional trial court.

Sa ilalim ng Local Government Code, ang kapangyarihang magtalaga ng bagong miyembro ng municipal council para punan ang bakanteng upuan ay nasa gobernador ng probinsiya. RNT

 

Previous articleEase of Paying Taxes Act isinabatas na
Next articleKALUNGKUTAN KINILALA NG WHO BILANG BANTA SA KALUSUGAN