ISANG “pressing health threat” ang turing ng WHO o World Health Organization sa kalungkutan o loneliness na anila ay mas lumala sa pagtama ng COVID-19 pandemic. Ang epekto nito ay katumbas ng paghithit ng labinglimang piraso ng sigarilyo bawat araw ayon sa mga eksperto.
Ang kalungkutan ayon sa health organization ay maaaring maranasan ng kahit sino, kahit saang lugar, walang pinipiling edad, at maging ng antas sa buhay. May malaki itong epekto sa physical and mental health ng isang tao at maging ng kaayusan ng lipunan.
Kaya inilunsad ng WHO ang Commission on Social Connection na siyang tututok sa kalungkutan bilang top global health priorities na tatakbo mula 2024 hanggang 2026.
Pangungunahan ang international commission ninaUS surgeon general Dr. Vivek Murthy, African Union youth envoy, Chido Mpemba, at labing-isang miyembro na mga loneliness advocates at government ministers.
Sa pagtatanong na isinagawa ng Meta at ng Gallup nitong October 2023, lumabas na 57% ng mga Filipino ay dumaranas ng self-reported loneliness, lubhang mataas kumpara sa global average na 24%.
Ilan sa mga bansang nasa mahigit 50% ang kalungkutan ay ang Afghanistan, Botswana, Lesotho at Uganda.
Naisulat naman sa science journal na “Nature Human Behavior” na 32% ng dumaranas ng social isolation ay mas maagang namamatay.
Ibinase ng WHO ang naging pahayag nito sa 90 meta-analysis na nagkokonekta sa loneliness, social isolation at early death sa dalawang milyong mga tao na sinubaybayan mula 6 months hanggang 25 years.
Ang napansin ng inyong Agarang Serbisyo Lady, kapag ang isang matanda ay walang kasama anak sa bahay, hindi sila dinadalaw o tinatawagan, mas maaga sila nagkakaroon ng dementia dahil din sa kalungkutan.
Dapat tayo maging “Masaya” dahil sabi nga “Laughter is the best medicine”. Maging maliit o malaking bagay dapat ito ay ating pinahahalagahan dahil “we have only one life”…pag negatibo ang iyong ini-apply sa iyong buhay puro dilim o lungkot ang iyong mararamdaman at doon papasok ang depression, minsan magtataka ka sa murang edad, magugulat ka, dahil mukha na itong matanda na, ang sanhi ng kanyang daliang pagtanda ay laging nakasimangot sa buhay, na imbes na maging isang halimbawa isa pa siya sa nagiging sanhi ng pagka lumbay, kaya muli ang lungkot ay ‘di dapat pinapapasok sa iyong isipan at dapat laging positibo lang sa buhay.