Home NATIONWIDE Mayor, VM ng Zarraga, Iloilo pinatalsik ng Ombudsman sa grave misconduct

Mayor, VM ng Zarraga, Iloilo pinatalsik ng Ombudsman sa grave misconduct

334
0

ILOILO CITY — Inatasan ng Office of the Ombudsman ang pagpapatalsik kay Zarraga Mayor Ma. Jofel Soldevilla at Vice Mayor Michael Omar Lacson dahil sa grave misconduct kaugnay ng iregular na pagbili ng lupa para sa Local Shelter Plan ng bayan.

Sa 22-pahinang desisyon na may petsang Setyembre 12, napatunayang pumasok sina Soldevilla at Lacson sa kontrata ng pagbebenta ng lupang nagkakahalaga ng ₱11.6 milyon nang walang awtorisasyon mula sa Sangguniang Bayan. Kasama sa parusa ang kanselasyon ng eligibility, pagbawi ng retirement benefits, at habambuhay na diskwalipikasyon sa paghawak ng posisyong pampubliko.

Ayon sa Ombudsman, “conspired with each other and unlawfully used their official positions to advance their personal interest” sina Soldevilla at Lacson.

Pitong iba pang opisyal ng munisipyo ang nasangkot sa simple misconduct at sinuspinde nang anim na buwan na walang suweldo, maliban kay dating konsehal Rolando Papa na pinagmulta ng katumbas ng anim na buwang sahod ng konsehal.

Nag-ugat ang kaso sa pagbili noong 2023 ng lupang nakarehistro sa pangalan ng yumaong ama ni Lacson. Nagbayad ang munisipyo ng ₱5 milyon kay Lacson bilang paunang bayad kahit hindi pa naililipat sa kanya ang titulo ng lupa.

Tinukoy ng Ombudsman na ang transaksyon ay isang “unauthorized indebtedness” at walang sapat na boto mula sa Sangguniang Bayan upang ito’y maaprubahan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here