MANILA, Philippines – Nagkasundo ang Pilipinas at Croatia sa ilang hakbang na naglalayong isulong ang kapakanan ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), inaayos na ng dalawang bansa ang potensyal na deployment ng mga healthcare worker at nagkasundo rin na gawing simple ang work permits at residence cards upang palakasin ang labor mobility, patatagin ang kooperasyon sa Pre-Departure at Post-Arrival Orientation Seminars (PDOS at PAOS), at paghusayin ang koordinasyon upang masiguro na ang mga manggagawang papasok sa Croatia sa pamamagitan ng third country ay maayos na dokumentado at protektado.
Binuksan din ng Croatia ang 435 job opportunity sa hospitality sector nito sa ilalim ng government-to-government pilot hiring program.
Sa kabilang dako, pumirma si Migrant Workers Undersecretary Jainal Rasul Jr. sa ngalan ng DMW, habang si State Secretary Ivan Vidis naman ang kumatawan sa Croatia.
Isinagawa ang paglagda sa DMW main office sa Mandaluyong City, na nataon sa Philippines–Croatia Friendship Week celebration.
“To our partners from the Croatian government and employment sector, thank you for your trust in the Filipino workforce and for upholding fair and transparent hiring practices under our bilateral agreement,” ani DMW Secretary Hans Leo Cacdac.
“There are currently about 12,000 Filipinos working in industries including hospitality, construction, and services in Croatia, Slovenia, and Slovakia,” ayon sa DMW. (Kris Jose)